Guys hwag kaung pumunta kapag may tumawag sa inyo na nanalo kayo ng worth 25k insurance sa philplans kasi scam ito..may tumawag sa akin na taga PHILPLAN FIRST, INC. at sinasabing nanalo ako ng 25k life insurance at sasabihin sa inyo na free yun talaga at wala kaung babayaran, nung una hndi ako pumunta hangang lagi silang tumatawag sa akin..kaya nagpunta ako sa office nila sa cubao, Sa PHILAM LIFE CUBAO, nilapitan ako ng agent nila din yun at explain sa akin kung anu ung mga makukuha at benefits ng insurance nila, nung kukunin ko na yung free ko na 25k insurance hndi binigay, humingi sya ng 2 valid ID's ko at yung credit card ko, so sabi ko bakit kailngan mo yung credit card ko sabi ng agent nila for confirmation lng daw..so binigay ko at nung pagbalik nya binigyan ako ng mga documents na nakalagay dun na worth ng babayaran ko sa bank.so sabi ko cancel na natin yung transactions, sabi nya hndi pwede kasi naswipe nayung card ko..sabi ko sa agent ng PHILPLANS wala kang authorize na magswipe ng card ko..so yun nga pinapacancel ko yung transactions at hinihingi ko yung credit card ko kaso ayaw ibigay.kailangan muna daw pirmahan yung docs nila, so lumipas ang 1hr hndi pa rin nila binigay..so wala akong choice kundi pirmahan ung docs at para makauwu na ako ..kaya sa inyo to guys hwag na hwag nyong ipagkatiwala ang credit card nyo kahit kanino.
Sa mga AGENT NG PHILPLANS pare-parehas lng tayong mahirap at nagtratrabaho para kumita ng pera pra may pantostos tau sa mga pamilya natin..bakit ganito pa ang ginagawa nyo wla ba kayong awa sa mga nabibiktima nyo?Isusubong kanin na lng sa bibig kinukuha nyo pa..Sana namn makonsenya kayo, kung gusto nyong kumikita ng pera magtrabaho kayo ng patas hwag yang nanloloko kayo ng mga tao..
MAY NAGSABI SA AKIN KUNG PANO ICANCEL YUNG TRANSACTIONS NG CREDIT CARD KO SA KANILA..DETAIL ITO SA MGA NA SCAM.
1.GUMAWA KAU NG LETTER OF DISPUTE SA BANK NG CREDIT CARD NYO(lahat ekwento nyo sa letter nyo kung pano kayo naloko at ipadala nyo rin yung mga docs ng PHILPLANS.)
2. TUMAWAG KAU SA MAIN BRANCH NILA SA MAKATI..SEARCH N LANG KAU SA WEBSITE NILA AT HANAPIN NYO UNG TELEMARKETING HEAD NILA..PRA DUN NYO NAMAN IPADALA UNG LETTER OF CANCELATION OF INSURANCE NYO..
SA MGA NASCAM NG INSURANCE PLANS NA TO..PLEASE POST A COMMENT HERE PARA MALAMAN NG PHILPLANS NA YAN KUNG ANU ANG GINAGAWA NG MGA AGENT NILA..